Baha sa Edsa-Boni dahilan ng trapik

NAGKABUHOL-BUHOL ang trapik sa Edsa kanto ng Boni Ave. ngayong umaga, Martes, nang nagdulot ng pagbabaha ang malakas na pagtagas ng tubig mula sa isang nasirang tubo doon.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), mula pa lamang sa Buendia Ave. sa Makati City ay sumikip na ang trapiko na umabot na rin hanggang Ayala Avenue.

Kasalukuyan pang inaayos ng mga kinauukulan ang sirang tubo upang manumbalik ang maayos na daloy ng trapiko sa nasabing lugar. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply