Bakasyunista dinukot ng taga-PDEA

DINUKOT ng anim na kalalakihan na nagpakilalang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang binatang bakasiyonista sa bahay ng kanyang nakakatandang kapatid Linggo ng hapon, Abril 3, sa Marikina City.

Ang biktima ay nakilalang si Romy Tomaroy, 24, mula sa Dumaguete City at pansamantalang nagbabakasiyon sa bahay ng kanyang kapatid na si Oliver Tomaroy, 36, empleyado ng Ombudsman at residente ng No. 24 Singkamas st., Barangay Tumana sa nasabing lungsod.

Bandang ika-5 ng hapon nang dukutin ang biktima ng anim na armadong kalalakihan na pawang nakasuot ng puting damit at short na porontong.

Agad umanong pinosasan at kinaladkad palabas ng bahay si Romy para isakay sa naghihintay na Toyota Revo na may plakang ZSJ-271. Meron din umanong back-up na kulay berdeng kotse ang mga suspek.

Tinutukan din umano ng mga ito ang isa sa kasambahay na si Baselisa Tomaroy, 64, at nag-iwan ng mobile number na 09391106085.

Piniringan ang biktima habang nasa loob ng sasakyan at makailang ulit na hinataw ng baril. Kinuha rin ng mga suspek ang mobile phone, relo at pera sa bulsa ng biktima.

Pinakawalan lamang si Romy dakong 12:00 ng hatinggabi sa Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City. Jun Ferrer

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply