‘Bakit ang lutong Chinese, kakainin mo lang, gutom ka na naman?’ — AJ Perez (R.I.P.)

NASA kalagitnaan kami ng tsikahan at panonood ng show nina Ai Ai delas Alas, Ya Chang at Ryan Bang  sa Zirkoh, Tomas Morato nang sabihan kami ni Lito Alejandria na buksan namin ang mga Twitter namin dahil patay na raw ang guwapong young actor na si AJ Perez. Nabangga ang ABS-CBN van ng bus at trak  sa Tarlac City at napuruhan ang ulo niya habang natutulog.

Nalungkot kami dahil nu’ng Friday night ay ka-table pa namin siya at katsikahan  sa birthday party ng  kaibigang Jobert Sucaldito sa Golden Bay Restaurant sa Macapagal Avenue. Tapos Sunday, madaling araw mababalitan mong patay na.

Excited  si AJ na ikinukuwento sa amin at pinapasulat niya ang parating na MMK (Maalaala Mo Kaya) episode niya sa April 30 na kasama si Bugoy Cariño.

“Almost 5 days kami nag-taping sa Quezon at Bicol, panoorin n’yo MMK,eto po ang biggest role ko,’ sey pa niya.

oOo

Mga ala-ala ni AJ sa piling ng mga movie reporter

Nakapanghihinayang si AJ dahil papasikat na siya. After ng serye niyang “Sabel,” may movie siyang gagawin na kasama sana sina Mara (Kathryn Bernardo) at Clara (Julia Montes).

“Ibang istorya ito, hindi  ‘Mara Clara’. Kasama rin namin si Albie Casiño,” sambit pa niya.

May mga nakapansin din na malungkot ang hitsura ni AJ nu’ng gabing  ‘yun. Pero  binati niya lahat ng nandun  sa table na ‘yun. Nag-follow pa siya sa Twitter Account ng ibang kasama namin sa table.

Napansin pa niya nagti-Tweet kami sa iPad ng kaganapan sa party ni Jobert.

“Puwede ka pa lang mag-tweet diyan sa iPad,” bati  niya ulit sa amin.

“Oo kasi nilinyahan ko ng Globe,” sagot ko naman.

Sey naman ng daddy ni AJ, puwede kang bumili kung gusto mo. Hanggang sinabi niya iPad 2 ang gusto na niyang bilhin.

oOo

Dominic Rea nagpa-picture pa kay AJ

Ang katotong Dominic Rea, kinunan  pa niya sa blackberry si AJ na magkasama sila at ginawa niya itong profile picture. Tinuruan pa siya ni AJ kung paano i-upload yun.

Bumalik pa sa buffet table si AJ para kumuha ulit ng pagkain. Ang dialogue niya : “Bakit ang luto ng Chinese, kakain mo lang, gutom ka na naman?”

Napagkuwentuhan din namin na nasa Heart Center Hospital ang nanay ng kaibigang Rommel Placente at balak sana nilang dalawing mag-ama ngayong Lunes.

Naikuwento rin niya sa amin na nag-enjoy siya sa Boracay last week kasama ang mga barkada niya. Balak niya at gustong bumalik ngayong Holy Week doon.

Sa Twitter Account ni Ogie Diaz nabasa namin ang unang reaksyon ng magulang ni AJ.

Sabi ng mommy niya: “Nag-Boracay pa si AJ nung first week ng April. Nag-alala na ko non dahil sila lang mga friends nya ang magkakasama.”

“Tapos, eto, kasama niya pa ang daddy niya, kaya Ogie, you’ll never know talaga pag aksidente.”

“Napanood ko pa kagabi yung teaser ng MMK ni AJ, hindi ko alam kumba’t ako bigla na lang naiyak, kaya tinawagan ko si Dadi.”

Iyak nang iyak din  si Daddy Gerry Perez. “Sana, panaginip lang to, Ogie. Si AJ ang buhay namin ng mami nya, bakit sya pa? Sana, ako na lang.”

“Napakamasunuring bata ni AJ,walang kaaway, friendly at very professional. Sana,ndi na lang siya, Ogie!”

oOo


Parehong La Sallista sina AJ at Rico Yan

Marami rin ang nakapansin na Holy Week namatay si Rico Yan . Si AJ, namatay rin ng Holy Week. Araw ng Palaspas. Parehong La Sallista, dun din sa high school ang burol, parehong natutulog nang pumanaw. Parehong mabuting tao.

May naka-realize din ng #17 for AJ. He was born 17th of Feb and died 17th of April. He even has the number 17 on his Twitter account.

Nabasa rin namin ang kanyang Twitter Account ajperez17 nu’ng madaling araw ng Saturday: “Gotta wake up early tomorrow. Going to Dagupan.”

oOo


AJ sobrang iniyakan ni Ai-Ai delas Alas

Nu’ng pauwi na: “On the way home already from Dagupan. Long drive ahead.. Thanks to everybody who watched.”

Heto ngayon ang nakalagay: “For those  love my son his remains will be in La Salle Greenhills, the School he love so much Starting today (Sunday) until Tuesday PM. We might his body on Christ The King’ on Tuesday na din please be there for him.”

Oh my Gosh …daming movie writers ang di nakatulog. Nalungkot, nanghina, na-shocked sa pagpanaw ni AJ. Mabait, palabati at ma-PR kasi ang bagets. Sayang papasikat na siya.

Kuwento nga rin ni Mamalits, iyak nang iyak ang kaibigang Jobert habang ibinabalita niya ito sa cell phone. Sobrang mahal na mahal nya ang anak-anakang si AJ. Sabi nya: “I’ll see u in Heaven,anak.”

Kahit si Ai-Ai delas Alas ay umiyak nang malaman nya ang sudden death ni AJ habang nagso-show sa Zirkoh.
Nakasama niya ito sa ‘Tanging Pamilya”. Sey  nya: “Anak ko yan…ang bait bait nyan…”

Mami-miss namin si AJ! Condolence sa pamilya niya. Roldan Castro

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply