Banggaan ng CBCP, INC sa RH bill kinastigo

WALANG maidudulot na mabuti sa sambayan ang umiinit na banggaan ng dalawang malalaking Simbahan sa bansa hinggil sa panukalang Reproductive Health Bill na nakabinbin sa Kongreso.

Ganito ang pananaw ni Sen. Gregorio “Gringo” Honasan sa lumalalang sagutan ng Iglesia ni Cristo at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na nagbibigay ng pagsang-ayon at pagkontra sa RH Bill.

Ayon kay Honasan, walang ibang magiging “casualties of war” sa banggaan ng INC at CBCP kundi ang sambayanan na naiipit sa sigalot na walang maidudulot sa mamamayan dahil kapwa nagpo-forum shopping ang dalawang grupo sa media.

Nitong nakaraang, lumantad na nagpadala ng liham ang pamunuan ng INC kay Biliran Rep. Rogelio Espina, chairman ng House committee on population and family relations, na nagpapahayag ng suporta sa RH Bill na nagbibigay proteksiyon sa pamilya sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan.

Kinontra naman ng CBCP ang pananaw no Eduardo Manalo, executive minister ng INC sa pagsasabing hindi dapat suportahan ang RH bill ninuman dahil labag ito sa ipinag-uutos ng Dakilang Lumikha.

Ngunit, ipinayo naman ni Honasan sa lahat ng sumusuporta sa RH Bill na makipagdiyalogo sa mga apektadong pamilya at mamamayan upang makuha ang tunay na pulso at saloobin, sa halip na ipahayag ang sari-sariling posisyon sa isyu.

“Ang napapakinggan lang kadalasan yung mga nagkakampi-kampi so nahahati ang bansa, hindi yan mabuti, walang patutunguhan iyan. dapat ituloy yung dialogue para magkaroon ng guide ang mga mambabatas,”giit ng senador.

Nakabinbin pa rin sa senate committee on health and demography na pinamumunuan ni Sen. Pia Cayetano ang panukalang inihain ni Sen. Miriam Defensor Santiago para sa RH bill.

Nagbigay na ng prediksyon si Sen. Panfilo Lacson na maipapasa ng Senado ang naturang panukala matapos itong suportahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kamakailan. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply