Banggaan ng Water Dragons, Junior Powerade

MAY DAGDAG na puwersa ang Maynilad Water Dragons sa pagharap nila sa upset conscious na Junior Powerade sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation sa Oreta Gym sa Malabon City ngayong hapon.

Muling makasasama ng 5’8″ na si Borgy Hormida ang kanyang coach na si Frankie Lim at mga ka-teammate sa Red Lions, kasunod na matapos ang kanyang kontrata sa Red Bull team sa PBA.

Habol ng Maynilad ang ikatlong panalo sa kanilang ika-limang laro, habang pangalawang panalo kontra dalawang talo ang inaasahan ng Powerade makaraang itala ang isang upset win laban sa paboritong Cebuana Lhuiller Gems noong Abril 7 sa skore na 77-73.

Tatangkain naman ng Freego Jeans ni Coach Leo Austria na masungkit ang unang panalo kontra sa RnW Pacific Pipes alas-4:30 ngayong hapon. Radito Torres

 

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply