Banggaang Texters at Gin Kings sa Finals namumuo

NAMUMURO na ang banggaan sa best of 7 finals ng PBA Commissioner’s Cup sa pagitan ng top elimination round Talk N Text at ng crowd favorite Ginebra San Miguel.

Resulta ito ng kapwa pagkuha sa ikalawang panalo ng Tropang Texters laban sa Air21 Express, 97-90, noong Abril 15 na nasundan kamakalawa ng 114-96 na malinis na panalo na ginanap sa Araneta Coliseum, habang magaang na pinaluhod ng Barangay Ginebra ang Smart Gilas Nationals, 110-93, kasunod ng manipis na 97-96 na unang panalo sa kabayanihan ng import na si Nate Brumfield na nagrehistro ng season-high 45 points na bumura sa 43 points ni Meralco Bolts import Champ Oguchi.

Sa bangaan sa Game 3 makalawa, Miyerkules, sisikaping makabawi ang Air21 Express ni Coach Bong Ramos sa tropa ni Coach Chot Reyes habang babawi sa kahihiyan ang national team ni head mentor Rajko Toroman na hindi naman pahihintulutan ni Coach Jong Uichico dahil mahihirapan na sila kapag nakaahon ang national team.

Unang magsasagupa ang Tropang Texters kontra Air21 Express na susundan sa main game ng Barangay Ginebra vs Smart Gilas Nationals. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply