BSP kinasuhan ng Banco Filipino sa DOJ

NAHAHARAP ngayon sa reklamong katiwalian ang mga opisyal at miyembro ng Bangko Sentral ng Pilipinas (bsp) at ang Monetary Board sa pangunguna ni Governor Amando Tetangco dahil sa umano’y iligal na pagpapasara sa Banco Filipino.

Bukod kay Tetangco, kasama rin sa mga ipinagharap ng paglabag sa Section 3 ng Anti Graft and Corrupt Practices Act sina BSP Deputy Governor Nestor Espenilla Jr., BSP Deputy Governor and General Counsel Juan De Zuniga Jr, at mga miyembro ng Monetary Board na sina Juanita Amatong, Alfredo Antonio, Ignacio Bunye at Peter Favila.

Ang nasabing reklamo ay isinampa dahil sa umanoy matinding pinsala na dinaranas ng Banco Filipino, ng mga depositor nito at stockholder bunsod sa pagtanggi ng BSP at ng Monetary Board na aksyunan ang aplikasyon ng Banco Filipino para sa emergency loans.

Ayon kay Atty. Harry Roque, abogado ng Banco Filipino, nakapagtataka ang hindi pag-apruba ng BSP sa aplikasyon ng BF para sa emergency loan dahil hindi naman ito nalulugi at mayroon silang collateral para i-secure ang kanilang utang.

Wala umanong batayan ang sinasabi ng BSP na mismanagement sa Banco Filipino dahil sa katunayan, ang bangko ay nasa ilalim ng comptrollership ng BSP kaya bawat patakaran ng bangko ay kinakailangang aprubahan ng BSP.

Una nang naghain ang Banco Filipino ng dalawang kriminal na reklamo laban kay Tetangco at sa Monetary Board Members sa tanggapan ng Ombudsman dahil sa paglabag sa General Banking Act pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang reklamo. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply