Bansa kikita sa coconut export

MAGIGING ginto na ang mga coconut fiber at iba pang bahagi ng niyog, ito ang napag-alaman Sabado, Abril 2, ng Remate.

Ayon kay Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala, gagawin ang coconut fiber at peat bilang geo-textiles at organic fertilizer o soil conditioner.

Dahil dito, kikita ng ilang milyong dolyares ang bansa sa exports na makapagbibigay naman ng additional income at pangkabuhayan sa daan-daang pamilya ng small coconut farmers.

Ayon sa Philippine Coconut Authority (PCA), kayang mag-produce ng bansa ng halagang 12 billion niyog kada taon.

Sa pagkolekta pa lamang umano ng kalahati nito o anim na bilyong coconut husks, at pagpo-proseso nito para maging coco geo-textiles at organic fertilizers, kikita na ang bansa ng $225 million taon-taon,” ani Alcala.

Ayon naman kay PCA administrator Euclides Forbes, ang geo-textiles o ‘cocomats’ ay ginagamit na erosion control material na inilalatag sa mga paanan ng bundok, tabing ilog, at mga dam.

Ginagawa rin umanong twine o yarn ang coconut fiber samantalang ang pinong coco fibers ay ginagawa namang kama o kutson.

Ang coconut peat o alikabok ng niyog ay ginagamit na organic fertilizer, soil conditioner, o animal beddings.

Sa bawat kilo ng coconut husk, 30% o 300 gramo ng fiber o coir ang maaaring makuha, at ang matitira naman ay coco peat.

Ani Alcala, minamadali ng DA ang PCA at Fiber Industry Development Authority (FIDA) batay sa utos ni Pres. Benigno Aquino, III. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply