Banta ng ‘radiation’

NAGBABALA nitong Lunes ang mga awtoridad sa mga residente ng Batanes na huwag kumain ng hilaw na lamang-dagat dahil sa banta ng “radiation.”

Tila hindi na biro ang bantang dulot ng trahedya sa Japan dito sa ating bansa kahit sinasabi ng pamahalaan na wala tayong dapat ikabahala.

“Wala pa tayong proof na dapat tayo mag-alala,” ayon kay Health Secretary Enrique Ona. Aniya, kailangan lamang tayong mag-ingat.

Ayon sa mga siyentipiko, dapat nating maintindihan ang epekto ng radiation at dapat itong paghandaan.

Pinayagan na kasi ng gobyerno ng Japan na magtapon ng kontaminadong tubig sa dagat ang kanilang nasirang nuclear power plant.

Nanganganib nga ba tayo sa radiation? Mahirap intindihin ang mga bagay na tila mga siyentipiko at doktor lamang ang nakaaalam. Kaya ibayong pag-iingat lamang ang puwede nating gawin.

Kung may babala ang mga awtoridad, siyempre pa, dapat nating sundin.

Sa ngayon naman ay ligtas pa naman daw ang ating mga lamang-dagat. Kahit may radiation sa ating hangin, hindi pa naman ito nakababahala.

Kung meron man daw banta sa ating kalusugan ang radiation na nanggagaling sa Japan, matagal na panahon pa ito nating mararamdaman.

Dapat lang na magiging maingat at matuto tayo sa karanasan ng ibang bansa at huwag ipagsawalang-bahala ang mga ito.

Tulad na lang halimbawa sa paniniwalang dahil sa lawak ng karagatan ay puwede tayong magtapon ng basura, nuclear waste man ito o ordinaryong kalat natin lalo na ngayong “summer” na marami sa atin ang magbabakasyon sa beach.

Ayon sa mga pantas hindi totoo na dahil sa lawak ng karagatan kaya nitong tanggapin ang lahat ng dumi na puwedeng ikalat ng tao.

“The vastness of the ocean is often taken to mean that it has an enormous power to dilute most of man’s wastes. That is a misconception,” anila.

Dapat nating malaman ang banta ng radiation, at dapat tayong laging paalalahanan ng pamahalaan, subalit may magagawa tayo upang mapapangalagaan ang ating kapaligiran at ang ating mga buhay sa pamamagitan ng paglilinis sa ating paligid at pangangalaga sa kalikasan. Joe Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply