Bantang pagtaas na presyo ng pagkain

MARAMING mamamayan ang naaalarma sa banta ng pagtataas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Ang pangamba ay bunsod ng pahayag kamakailan ni World Bank president Robert Zallick kaugnay ng patuloy na paglobo ng presyo ng bilihin, partikular ang pagkain na umaabot na sa “dangerous point.”

Ang babala ni Zallick ay inihayag niya bago ang miting ng G20 economic ministers at Central Bank chiefs sa Paris, France na kung saan hinimok niya ang mga maririwasang bansa na gawing prayoridad ang usapin sa pagkain ngayong taon.

Nanawagan naman si Gonzalo Tan, Jr., executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines, isa sa mga pangunahing organic fertilizer producers na ginagamit ng mga magsasaka sa gobyerno, na gawing sentro ng economic development ang industriya ng sakahan bago maging huli ang lahat.

Hinikayat pa niya ang mga magsasaka na bumalik sa pagtatanim at maging masaya sa gawain nila na nagdadala ng makakain sa mga mamayan. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply