Bantay sa palaisdaan nalunod, patay

ISANG bihasang manlalangoy ang namatay matapos malunod sa kanyang binabantayang palaisdaan kaninang umaga sa Doña Juana subdivision, Barangay Dampalit, Malabon City.

Ang biktima na hindi na umabot na buhay sa Pagamutan Bayan ng Malabon ay nakilalang si Jorge “Gaga” Abaja, 48, fishpond caretaker, ng R. Diaz St., Merville Subdivision, Barangay Dampalit, nasabing lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Robert Miclat, Station Investigation Division (SID) ng Malabon police, dakong alas-otso ng umaga nang maganap ang aksidente sa palaisdaan ni Mang Gary sa nasabing lugar.

Ayon sa salaysay ng saksing si Antonio Marcuela, 50, kasamahan sa trabaho ng biktima, lasing na lasing umanong naglalakad sa pilapil ng kanilang fishpond si Abaja para pumasok sa trabaho, subalit aksidenteng nadulas at tuloy-tuloy na nahulog sa palaisdaan.

Dahil sa kalasingan, hindi na nagawang makaahon hanggang tuluyang nalunod ang biktima.

Mabilis namang dinala ang biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na umabot nang buhay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at inaalam kung may naganap na foul play sa biktima. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply