Barangay chairman inaresto ng PNP

DINAKIP ng mga tauhan ng Philippine National Police ang isang barangay chairman sa Zamboanga Sibugay matapos ang nagnap na sagupaan sa kanyang nasasakupan na ikinasawi ng siyam katao sa hinalang pakikipagsabwatan nito sa MILF lost Command at kibalot na kidnap for ransom group

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, sinasabing dinakip ng mga elemento ng Zamboanga Sibugay PNP si  Kaliantana barangay captain Daris Jaliol Harin sa kasong pakikipagsabwatan sa napaslang na notoryus commander ng lost command at kidnap-for-ransom group (KFRG) lider na si Kamza Asdanal.

Ayon sa pahayag ni Zamboanga Sibugay police provincial director P/Sr. Supt Ruben Cariaga, may mga nakalap silang katibayan na makapagpapatunay sa pakikipagsabwatan Brgy. Capt.  Harin sa pangkat ni  Commander Asdanal, isa na rito ang cellphone ng nasabing punong barangay.

Kaugnay nito ay ikinakasa na ng Sibugay PNP ang kaukulang kaso na kanilang ihahain sa nasabing chairman  sa korte.

Samantala ibinunyag naman ni Directorate for Integrated Police Operation (DIPO) Western Mindanao commander Director Felicisimo Khu na ang napatay na commander ay sangkot sa mga serye ng pagdukot sa Zamboanga Peninsula.

Nabatid na ang pinakahuling biktima na hawak ng grupo ay ang Zamboangueña nurse na si Mari Cris Cuartocruz.

Ayon pa kay Khu, ang grupo ni Commander Asdanal ang siyang responsable sa mga extortion activities sa lahat ng mga fishing vessels sa Zamboanga Peninsula kabilang na ang mga bus companies.

Dagdag pa ni Khu, ang grupo ni Asdanal ang siya ring nagbibigay ng proteksyon at seguridad sa grupo ni Commander Waning Abdusalam na kilalang KFRG din na nag-o-operate sa rehiyon. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply