Brgy officials, employees isinailalim sa drug test

NAGSAGAWA ng mandatory drug test ang pamunuan ni Barangay Central Signal Village Chairman Pat Henry Duenas sa mga kinatawan ng konseho at mga kawani nito sa barangay hall Lunes ng umaga, Abril 18, sa Taguig City.

Naniniwala ang anak ni dating Taguig 2nd Dist. Congressman Henry Duenas, Jr., na higit na mapag-iibayo ng mga lingkod ng bayan ang kanilang tungkulin sa kanilang pamayanan kung ang mga ito ay walang bahid ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang katawan.

“Our constituents deserve good governance and it requires a lot of underlying principles how willing we are in sustaining the people’s trust and I’ve learned all these things from my dad who was a gladiator in fighting illegal drugs.” Ani Duenas.

Nagbigay rin ng suporta mga barangay kagawad sa hangarin ng kanilang punong barangay. PP Corpus

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply