Baril kinalikot estudyante tepok

HINDI inaasahang makakapatay ng estudyanteng kapitbahay ang ginawang baril ng isang lalaki nang ito ay pumutok habang kinakalikot Linggo ng madaling araw, April 24, sa Pasay City.

Patay na nang idating sa Manila Sanitarium Hospital bunga ng tama ng bala sa noo ng kalibre .22 ang biktimang si Dave Dollete, 17, residente ng  no. 1750-F Cuyegkeng St., ng nabanggit na lungsod.

Ang suspek naman na si Aron Cimafranca, 21, ng 1856 R. Tangkian St., ay agad na sumuko matapos ang insidente.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin ng Station Investigation & Detective Management Section (SIDMS), naganap ang insidente dakong 1:10 ng madaling araw habang ang biktima kasama ang kanyang
kabarkada na sina Kerwin Casas, at  Mico Arenas ay naglalakad patungong E. Rodriguez St., Pasay City.

Nagkataon naman na nakatayo ang suspek sa daraanan habang kinakalikot ang ginawang baril na kalibre .22 na hindi inaasahang puputok na tumama naman sa noo at tumagos pa sa batok ng biktima.

Nagulat ang kasama ng biktima nang bigla itong bumagsak na duguan. Agad na dinala kasama ang suspek sa pagamutan ngunit binawian na ito ng buhay.

Agad namang sumuko si Cimafranca sa pulis at ikinatwirang aksidente ang naganap.

Sasampahan ang suspek ng kaukulang kaso sa tanggapan ng Pasay City Prosecutors Office. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply