Barker tinarakan sa sugalan

APAT na saksak ang tinamo ng isang barker makaraang pagsasaksakin ng hindi kilalang salarin habang nagsusugal ng ‘cara y cruz’  sa Novaliches Quezon City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang isinusugod sa Quezon City General Hospital ang biktima na kinilalang si Allan Pascua, 32, ng Platinum St., Brgy. San Agustin,  Novaliches Quezon City.

Batay sa ulat, naganap ang insidente bandang 12:00 ng madaling-araw habang ang biktima  ay nakikipagsugal ng ‘cara y cruz’ sa mga kaibigan sa Villarica St., nasabing lugar.

Tiniyempuhan  pa umano ng  hindi pa nakikilalang salarin  ang paghahagis ng pera ng biktima bago inundayan ng sunod-sunod na saksak sa katawan bago mabilis na tumakas. Alex Ching/James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply