‘Basag kotse gang’ umatake

TINATAYANG aabot sa P150,000 halaga ng cash at mahahalagang gamit ang  natangay  ng hinihinalang “basag kotse gang” sa isang 20-anyos na estudyante ng kilalang unibersidad matapos na basagin ang salamin ng  kanilang sasakyan  habang nakaparada sa Sta.Cruz, Maynila Lunes, Abril 11.

Personal na dumulog sa Manila Police District–Theft and Robbery Section ang biktima na si Madelaine Gapit, estudyante ng University of Asia and the Pacific.

Base sa reklamo ni Gapit kay PO3 Gordius Allumbro, dakong ika-2:00 ng hapon ng iparada nila ang kanilang Isuzu Crosswind na kulay puti (XFK-809) sa pagitan ng Tayuman at Oroquieta sa Sta.Cruz, Maynila.

Iniwan umano nila sandali ang kanilang sasakyan sa nasabing lugar para bumili ng korona ng santo na gagamitin umano nila sa prosisyon sa kanilang lugar sa darating na Linggo.

Pagbalik umano nila dakong ika-3:00 ng hapon ay nagulat na lamang sila nang makitang basag na ang salamin ng kanilang sasakyan sa kanang bahagi at natangay na lahat ang iniwan nilang mga gamit sa loob nito.

Nakuha mula sa biktima ang kanyang cash na P50,000, tatlong mobile phones na halagang P50,000, camera na halagang P14,000 at  iba pang  mamahaling gamit at dokumento.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kong sino ang mga responsable sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply