Basco, Batanes niyanig ng 3.1 magnitude na lindol

NIYANIG ng 3.1 magnitude na lindol ang Basco,Batanes kaninang umaga, Abril 25, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol dakong 6:53 ng umaga subalit wala naman iniulat na intensity.

Sinabi pa sa ulat, ang origin ng lindol ay tectonic at ang location ng lindol ay kanlurang bahagi ng Basco, Batanes.

Habang 027 (shallow) naman ang lalim sa lupa ng naturang lindol.

Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply