Basilan drug group leaders arestado ng PDEA

KAUGNAY pa rin sa sunod-sunod na anti-drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang drug pusher sa Maynila nalambat din sa hiwalay na operasyon ang  mga lider ng “Basilan drug group” sa Dagupan.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Hon. Amor A. Reyes, Executive judge ng Manila RTC branch 21, kinilala ni PDEA Director General/ Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr ang mga nahuling sina Joan Sordan Garcia at Antonio Garcia Guinto na nahulihan ng may 15 pirasong sachet ng shabu na tumitimbang ng 4.3647 grams, Honda CRV (NOE-181, at iba’t ibang uri ng drug paraphernalias sa kanilang bahay sa 26238 Alfonso Street, District V, Manila pasado 9:30 ng umaga.

Dalawang araw lang ang nakalipas nadakip naman ng pinagsanib  na puwersa ng Special Enforcement Services  (SES) ng PDEA , 1st Regional Public Safety Battalion (RPSB), Regional Highway Patrol Group Unit 1 (RHPG-1), Naval Special Operations Unit 2 (NAVSOU-2) at Dagupan City Police sa inilunsad na “Oplan Avatar 2” kung saan apat na bahay ang kanilang sinalakay sa  Sitio Silungan, Barangay Bonuan Binloc, Dagupan City sa  Pangasinan.

Sa pagsalakay sa lugar ay nadakip sina Salonga Naga Baraacal, alyas Allan at asawa na si Bulawan Radja, umano ay kapwa lider ng “Basilan Drug Group” kung saan nakumpiskahan  sila ng 5 plastic sachets ng shabu, deposit slips na may kuiwestiyunableng halaga,  digital na timbangan, dalawang  (2) cellular phones na naglalaman ng drug  transaction messages at itim na t- shirt na may  PDEA insignia.

Nakatakas naman ang mga miyembro na sina Malik Ampuan, Tebe Radja at Cairoden Linog ngunit nakumpiska sa loob ng kanilang bahay ang maraming sachets ng shabu, limang baril na may mga bala, bala ng M203, isang CCTV Camera, cash na pera at listahan ng transaction.

Nadakip naman sa nasabi ring pagsalakay matapos mahulihan ng baril at droga sa inabandonang bahay na sinasabing ginagamit na drug den na sina Glenn Gutlay, Jerry del Rosario, Rolly Luna, Hasnar Bocua at Connie Quinto.

Lahat ng nahuling mga suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply