Bastos na hepe ng QCPD PS10 ipinasisibak

HINILING ng pamunuan ng Quezon City Police District Police Office-Press Corps sa pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) director Nicanor Bartolome na sibakin sa puwesto ang hepe ng Police Station 10 matapos lusubin ang press office at pagbubulyawan at bastusin ang mamamahayag na nakatalaga roon kanina, Abril 19.

“Hindi ako natatakot sa inyo, kilala ba ninyo ako?” ito ang sigaw ni SUpt. Crisostomo Mendoza matapos naka-unipormeng galit na sumugod sa press office at takutin ang mga mamamahayag partikular ang pangulo ng press corps na si Almar Danguilan dahil sa lumabas na artikulo sa isang pahayag na bumabatikos sa kanyang pamamalakad.

“Ano ang gusto n’yo bayaran ko kayo! Wag n’yo akong tatakutin dahil hindi ako natatakot sa inyo” sabi pa ni Mendoza.

Ikinagulat pa ng mga reporter ng QCPD nang pagbantaan sila ni Mendoza na maaari niyang ipasara ang nasabing press office dahil siya ang nagbabayad ng mga gastusin nito.

“Ginaganito nyo ‘ko, alam nyo ba na ako ang nagbabayad ng kuryente, at tubig nyo, malaki na nga ang gastos ko sa inyo,” himutok pa ng opisyal.

Nabatid na abala sa paggawa ng report ang mga mamamahayag sa QCPD press office nang walang kaabog-abog na pumasok sa opisina si Mendoza at hinanap si Danguilan, bitbit ang pahayagang pinagsusulatan ng huli.

Lumalabas na sa artikulong isinulat ni Danguilan sa pahayagang Hataw ay hinihiling nito kay Mendoza na ayusin ang mga nagkalat na iligal sa kanyang nasasakupan kung saan ginagamit na ng isa sa tauhan nito ang pangalan ng hepe sa pangongolekta.

Kinondena naman ni Danguilan ang bastos na aksyon ni Mendoza sa pagsasabing hindi magandang ehemplo ang ipinakita ng hepe ng PS10 na sa halip makipag-usap ng maayos ay naging marahas ito sa pakikitungo sa mga mamamahayag. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply