Batang city jail, binalikan ng kalaban, patay

PATAY ang isang 27-anyos na miyembro ng Batang City Jail matapos itong pagbabarilin habang naglalakad kasama ng kanyang kapatid at kalive-in nitong Biyernes ng gabi, Abril 8 sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima na si Roberto “Tata” Melgarejo, ng 401-B Interior 32 Perla St., Tondo.

Sa ulat ni PO3 Mario Asilo, ganap na alas-8:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima ng mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas na “Makmak Sumpak”, “Jay-R Gutierrez”, at isang di-nakilalang lalaki.

Sa imbestigasyon, naglalakad umano ang biktima kasama ng kanyang live-in partner na si Cherly Hilario at kapatid na si Daisy Melgarejo, sa may kahabaan ng Perla-A malapit sa Quirino St. sa Tondo nang bigla na lamang silang tabihan ng mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Biglaang pinaputukan ng sunod-sunod ang biktima ng ‘di-malamang kalibre ng baril saka sila tumakas patungo sa direksyon ng Chesa St.

Naniniwala ang pulisya na maari umanong nagkaroon ng atraso ang biktima sa mga suspek kaya nang matiyempuhan ito ay ginantihan ang biktima.

Isinugod pa sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang biktima, subalit idineklarang dead-on-arrival dakong alas-9:30 ng gabi sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply