Bataraza nasa state of calamity dahil sa diarrhea outbreak

INILAGAY na sa state of calamity ang bayan ng Bataraza sa lalawigan ng Palawan dahil sa diarrhea outbreak na ikinamatay na ng 30 katao sa naturang lugar.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, hepe ng Department of Health (DOH)-National Epidemiology Center.

Sa 30 namatay, 11 sa mga ito ay mga bata.

Kagabi, nakapagtala ang DOH ng 430 biktima ng diarrhea simula Marso 15.

“Most of the villages that comprise Bataraza town are hit by the outbreak,” ayon kay Tayag. “The town’s officials have implemented measures to prevent the spread of the disease to the neighboring areas.”

Naglagay na rin contingency measures ang pamahalaan, kabilang dito ang pamamahagi ng malinis na inuming tubig sa mga apektadong residente na naninirahan sa naturang lugar.

Sinabi pa ni Tayag na nagsasagawa na ng mga comfort room ang sanitary engineers sa lugar upang maiwasang kumalat pa ang mga dumi, lalo na sa gilid ng dagat

Inihayag pa ng DOH na sa ilog nanggagaling ang iniinom na tubig ng mga residente ng Bataraza.

Sa ginawang pagsusuri, ang ilog ay lumalabas na mayroong “faecal contamination.”

Sa kasalukuyan, tinuturuan na umano ang mga miyembro ng tribu ng kalinisan para maiwasan ang pagkakasakit.

Karamihan umano sa naapektuhan ay ang mahihirap na residente sa Sitio Apad-apad.

Pinangangambahan ng DOH na patuloy pang tumaas ang bilang ng mga biktima.

Nakapagtayo na rin ang DOH ng pansamantalang ospital sa Linao Elementary School sa Barangay Culandanum kung saan nilalapatan ng lunas ang mga pasyente.

Hinimok ng DOH ang ibang pasyente at mga residente na nananatiling naninirahan sa kuweba na bumaba sa kapatagan at magpagamot sa mga itinalagang treatment camp. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply