Batas ni Kiko pabor sa drug syndicate – Villar

NAIS ni Sen. Manny Villar na amiyendahan ang Juvenile Justice and Welfarre Act of 2006 ni Sen. Francis Pangilinan dahil ginagamit ito ng sindikato ng droga na gumagamit ng kabataan bilang drug courier upang makaligtas sa paghahabol ng batas.

Ayon kay Villar, nakahanap ng butas ang sindikato ng droga sa naturang batas kaya nahihirapan ang awtoridad na madakip o matugis ang ulo ng grupong ilegal dahil kabataaan ang ginagamit sa pagdadala ng droga.

“Sinamantala ng mga drug syndicate sa bansa ang butas ng Republic Act No. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, para magamit ang mga bata sa pagtutulak ng iligal na droga,” ayon kay Villar

Sa ilalim ng naturang batas ni Pangilinan, inililigtas sa criminal liability ang sinumang kabataan na may edad 15 pababa kahit aktong nahulihan o nagtutulak ng droga.

Ikinatwiran pa ni Villar na hindi naging epektibo ang naturang batas ni Pangilinan upang mahusay na maipatupad ng awtoridad ang kanilang tungkulin na sugpuin ang ilegal na droga sa kani-kanilang nasasakupan.

Mula nang ipairal ang nasabing batas na iniakda ni Pangilinan noong 2006, umabot sa 4, 254 na kaso sa mga batang 15 anyos pababa ang pinadismis ng Public Attorney’s Office(PAO).

Bagamat maganda ang naging layunin ng batas ni Pangilinan, nabutasan naman ito ng drug syndicate sa bansa kung saan mismong ang Supreme Court (SC) ay kinilala ang depekto ng nasabing batas.

Dahil dito, itinulak ni Villar na imbestigahan ng Senate committee on constitutional amendments, revision of codes and laws at ng committee on youth, women and family relations, na siyasatin kung kinakailangan nang amiyendahan o suspendihin ang implementasyon ng nasabing batas. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply