Batas para sa mga bata rerepasuhin sa Senado

REREPASUHIN ng Senado ang mga ipinaiiral na batas para sa mga bata.

Ito ang pagtutuunang pansin ng Senate committee on youth, women and family relations na kung saan masusi nilang pag-aaralan at rerepasuhin ang kasalukuyang batas upang matiyak na napoprotektahan ang karapatan ng mga bata.

Iginiiit ito ni Sen. Pia Cayetano, chairman ng komite, kasunod na rin ng kontrobersiya na kinasasangkutan TV host na si Willie Revillame sa pagpapasayaw na parang macho dancer sa isang bata.

Sinabi ni Cayetano na kinakailangang mabatid ang lahat ng ipinaiiral na batas lalo’t kung apektado ang mga bata at maging ang mga kababaihan.

“We have so many talent shows and contests where kids are made to dress and gyrate like sexy dancers thinking that it’s ‘cute’ or ‘funny.’ But in gender-sensitive cities like Davao, the mayor has long banned the swimsuit portion in their annual Mutya ng Dabaw search. There’s no reason why we can’t adopt this example across the country and show the same respect for both women and children, not only in talent shows but also on TV, advertisements and all forms of media,” anang senadora. Vicky Cervales


Leave a Reply

*
nakakatawa talaga ang mga comment ni kristd...haha...
KristD yong ginawa mo rin ditto ay mind conditioni...
Ahahahahahahahaha,bwuhahahahahahaha. Good one. Tw...
yuhooo mga kapamilya " KUPS' Scoop hahahah hinay...
NYAHAHAHA STD LOLA MUZTA NAMAN KEPS MO LOLA MASIKI...
nyahahahah 'kapay' kaya pala nag dabog si Starlet ...
nyahahahahah ang laki talaga ng tawa ko rin ng tin...
nyahahahah ay korek ka ako may kilala rin madal...
nyahahahhaha ' kapay' grabee na talaga ang kalaswa...
nyahahahah korek na korek si gary Sta. Ana...he he...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.