Batikos ng oposisyon kay PNoy imoral — Chiz

WALANG karapatang moral ang hanay ng oposisyon sa pagbatikos sa kasalukuyang programa at polisiya ng Aquino administration dahil walang naipakitang mabuti ang gobyerno ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ganito ang balikwas ni Sen. Francis “Chiz” Escudero sa pahayag ng oposisyon na lantaran ang gagawin nitong pagbatikos kay Pangulong Benigno Aquino III upang maipagtanggol lamang ang dati nilang amo na si Arroyo, na ngayon ay kinatawan na ng ikalawang distrito ng Pampanga sa Kamara de Representantes.

“I seriously don’t think they are in the position nor do they have the moral ascendancy to do so,” ayon kay Escudero.

Ayon kay Escudero, walang masama kung konstruktibo ang pagpuna ng oposisyon sa administrasyon upang makatulong sa Palasyo sa pagpapatupad ng programa at patakaran ng gobyerno sa paghahanap ng solusyon sa maraming problema ng bansa.

Sinabi pa ni Escudero, pangunahing senador na sumuporta kay Aquino sa tambalang “Noy-Bi” o Aquino at Bise Presidente Jejomar Binay, noong nakaraang administrasyon, hindi nakatutulong sa paghubog ng polisiya at pagpapatupad ng programa ng pamahalaan ang walang kuwentang pagbatikos.

Iginiit pa ni Escudero na aabot pa lamang sa isang taon ang kasalukuyang administrasyon upang punahin, ngunit wala namang maipagmalaki ang nakaraang administrasyon sa siyam na taong panunungkulan sa Palasyo. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply