Beach resort nilooban, security guard pinatay

PINATAY ang security guard bago nilooban at tinangay ang P700,000 halaga ng salapi at alahas ng mga armadong lalaki ang isang beach resort sa Donsol, Sorsogon.

Nabatid sa ulat, napatay ang security guard na kinilalang si Manuel Abuyan, na tinamaan ng balas a dibdib at tagiliran.

Batay sa report, ang insidente ay naganap dakong 2:00 kaninang madaling araw, April 5, nang pasukin ng mga maskaradong suspek ang resort na pag-aari ni Korean King Sang Gun na nasa Barangay Pampanga.

Ayon pa sa report, ang mga suspek na pawang armado ng shotgun ay nakatakas makaraang makulimbat ang P700,000 cash, mga laptop, alahas sa nabanggit na resort.

Sinamantala umano ng mga suspek ang kasiyahan sa lugar kaugnay sa pagdiriwang sa selebrasyon ng Barangay fiesta. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply