Beauty sales exec sinakal ng Sudanese BF

DAHIL sa selos kaya nagawang sakalin ng Sudanese national ang kanyang nobyang Pinay na sales executive, dahilan naman para isuplong ng huli ang una sa Manila Police District, Martes ng tanghali.

Personal na nagtungo sa MPD–Women and Children Concerned Division (MPD-WCCD) ang biktima na itinago sa pangalang Mariz, ng BF Homes Parañaque City upang sampahan ng kaukulang kaso laban sa kanyang boyfriend na African-Sudanese na si Ramie Shoraf  Alden Mohammaf Farah, 29, Engineer 1 at pansamantalang nanunuluyan sa 2508 Taft Avenue, Vito Cruz, Maynila.

Sa pahayag ni Mariz kay MPD-WCCS P/C Insp. Anita Araullo, dumating siya sa Maynila noong Abril 24 mula sa Singapore para lamang sa kanyang boyfriend.

Imbes na sa kanyang kamag-anak tumuloy ay sa bahay ng boyfriend niya sa Vito Cruz, Maynila umuwi pero ayaw siyang patuluyin ng suspek sa dudang mayroon siyang ibang kasintahan.

Gayunman, sa halip na unawain ay naging bayolente si Farah at sinakal, sinipa, dinuraan at binato ng bote ang biktima na naawat lang nang dumating ang kapatid na lalaki ng suspek.

Nakahanda naman ang biktima na magsampa ng kaukulang kaso laban sa boyfriend.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya upang maimbitahan sa himpilan ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply