Bebot na snatcher armado ng teargas, kulong

SWAK sa kulungan ang isang babae habang nakatakas naman ang di pa nakikilalang kasamahan nito matapos na ispreyan ng teargas ng una at hablutin ang bag ng isang dalaga sa Caloocan City, Huwebes ng hapon, Abril 28.

Nakilala ang suspek na si Ruby Mahinay, 27, residenete ng Purok 4, Karuhatan, Valenzuela City, habang nakatakas naman ang hindi nakilalang kasama nito.

Batay sa ulat, dakong ika-5 ng hapon, pababa ng pedicab ang biktimang si Mary Grace Catamura, 21, residente ng Kawal Dagat-dagatan, ng nasabing lungsod, malapit sa kanilang bahay nang lapitan ito ni Mahinay at ispreyan ng  teargas sa mukha.

Dahil dito, halos hindi nakahinga ang biktima at dito na nakakuha ng tiyempo ang suspek at agad na hinablot ang bag ni Catamura.

Mabuti na lamang at may rumurondang mga tanod ng Barangay 28  na naging dahilan nang pagkadakip ni Mahinay.

Nanlaban pa ang suspek at iniispreyan ng teargas ang mga tanod subalit napalibutan na ito at agad na dinamba.

Agad namang tumakas ang kasama ng suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply