Bebot pinalo sa mukha habang naglalakad

ISANG 21-anyos na dalaga ang pinalo ng matigas na bagay habang naglalakad sa harap ng Far Eastern University (FEU) Martes ng hapon, Abril 19, sa Quezon Boulevard, Sampaloc, Manila.

Agad namang isinugod sa Metropolitan Hospital ang biktima na nakilalang si Catherine Alonzo ng M. Natividad st., Sta. Cruz, Manila.

Batay sa ulat ng MPD-Sampaloc Police Station 4, dakong 4:30 ng hapon naganap ang insidente. Isang hinihinalang praning na taong grasa ang bigla na lamang umanong pumalo sa mukha ng biktima na sanhi ng pagkawala ng malay nito.

Ligtas na sa kapahamakan si Alonzo habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng hindi na namataang suspek. Rene Crisostomo

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply