Bebot pinasakan ng bote sa ari ng 4 rapist

DINAKIP ng Manila Police District ang dalawang lalaki, habang pinaghahanap pa ang dalawa nilang kasama matapos i-gang rape at pasakan ng bote sa ari ang isang babae sa Quiapo, Maynila.

Hawak na ng MPD ang suspek na sina Jeffrey Gutiban, 34, butcher sa Quinta Market at Joseph Palma, 34, sales clerk.

Pinaghahanap naman sina Julius Ingat, may-ari ng tindahan ng cooked food stall at isang alyas Daniel.

Ayon sa MPD-Womens and Children Concern Division (MPD-WCCD), sinampahan na ng kasong rape sa sala ni Assistant City Prosecutor Nelson Pagaduan ang apat na suspek dahil sa reklamo ng biktimang itinago sa pangalang “Rica”, 27, stay-in helper sa nasabing palengke.

Ayon kay PO2 Janet Mariano, dakong 10 ng gabi nitong Huwebes nang maganap ang panggagahasa sa biktima.

Natutulog umano ang biktima nang gisingin ni Ingat at alukin ng beer na kanyang tinanggihan subalit sapilitan siyang pinainom hanggang sa nasundan pa ng ilang baso ng beer.

Sinabihan umano siya ni Ingat na doon na lamang matulog sa kanyang stall na muling tinanggihan ng biktima subalit sapilitang inagaw ng suspek ang kanyang unan at kumot saka kinarga siya sa stall kung saan inabutang natutulog din ang suspek na si Palma.

Ginising umano ni Ingat si Palma at saka naman dumating sina Daniel at Gutilban.

Dito na hinawakan ni Ingat ang biktimang pumapalag, habang si Palma ang nagtatanggal ng kaniyang pang-itaas na damit at hinimas ang kanyang mga dibdib.

Hinubad ni Ingat ang padyama ng dalaga saka hinipuan sa maselang parte ng katawan.

Pansamantala namang iniwan ni Ingat ang biktima kay Palma  na kumuha ng bote ng beer at pagbalik ay ipinasok umano iyon sa ari ng biktima, habang si Gutilban naman ay pinupuwersa siya na isubo ang ari.

Nang alisin ni Daniel ang bote na isinaksak sa kanyang ari ay binuhusan pa umano ni Ingat ng ng beer ang loob ng kaselanan ng biktima bago siya pinaghihipuan.

Hindi umano makasigaw ang biktima dahil takip-takip ni Ingat ang kanyang bibig.

Nang makaraos ang apat ay saka siya sinabihang magbihis at umalis na.

Kinaumagahan, sinabi ng biktima sa kanyang amo ang nangyari kaya agad siyang sinamahan sa pulisya, ikinadakip ng dalawang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply