Bebot sinaksak ng dating dyowang seloso sa Cebu

PATAY sa pananaksak ang isang babae kagabi nang magselos ang kanyang dating nobyo sa lungsod ng Cebu.

Isinugod sa Cebu City Medical Center (CCMC) sanhi ng isang saksak sa ilalim ng kili-kili, ngunit ilang minuto lamang ang nakalipas ay binawian na rin buhay, ang biktimang si Jocelyn Añora, 29, ng Sitio Kalubihan, Barangay San Nicolas, Cebu City.

Tinutugis na ngayon ng pulisya upang panagutin sa krimen ang suspect na si Henry Cabalda, 31, ng Barangay Pasil, Cebu.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-9:30 kagabi sa bahay mismo ng biktima.

Ayon sa mga nakasaksing sina Carlo Magsipoc, Neil Toledo at Teresita Rostauro, bago ang insidente ay nadatnan ng suspect ang bagong nobyo na nasa bahay ng biktima.

Base naman sa imbestigasyon ni SPO4 Alex Dacua, ng Homicide Section ng Cebu City Police Office (CCPO), nakitaan ng matinding selos ang suspect pero hindi lamang nagpahalata at biglang umalis na lamang.

Lingid sa biktima, hinintay lamang ng suspect na makaalis ang nobya ng biktima at nang mag-isa na itong natutulog sa kanyang kuwarto ay sinaksak ang biktima at saka tumakas. Robert C. Ticzon

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply