Bebot tumalon sa dagat sa Batangas

AGAW eksena ang isang babae matapos na tumalon ito sa dagat sa Batangas Port Miyerkules ng gabi, Abril 20.

Iniulat ngayon, Huwebes, tumalon ang babaing di na pinagalanan pagdaong ng sinakyang Ro-Ro na galing ng San Jose, Oriental Mindoro.

Ito ay dahil may nagbabanta umano sa kanyang buhay.

Nasagip naman ito ng kanyang mister at agad na dinala sa port clinic.

Ayon sa kanyang mister na si Roy Rodrigo, may nakasabay umano sila sa biyahe na balak umanong gawan sila ng masama.

Tuloy-tuloy naman ang pagdating ng mga bakasyunista sa kabila ng insidente. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply