Bebot uminom ng silver cleaner

PATAY ang isang  27-anyos na empleyado ng Goldilocks  matapos uminom ng silver cleaner Lunes ng hapon, Abril 18, sa Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District Homicide Section, ang biktima na si Jollybelle Gerona, dalaga at nangungupahan sa 731 Int. 5 Bagumbayan st., Sta. Mesa, Maynila.

Sa report ni PO3  Alonzo Layugan, dakong alas-2:30 ng hapon  ng madiskubre kanyang roommate na si Bealyn dela Cruz ang pagkamatay ng biktima sa loob mismo ng kanilang inuupahang kuwarto.

Ayon naman sa ilang kakilala ng biktima, iniinda umano nito ang pananakit ng kanyang mga buto na hinihinalang siyang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner.

Sa kuwarto ng biktima ay nakita ang tatlong bote ng silver cleaner kung saan ang dalawa ay wala ng laman.

May mga sugat at gasgas din sa likod at kaliwang braso ng biktima ngunit ito ay sanhi umano ng kanyang pagbagsak matapos siyang uminom ng kemikal.

Dinala sa St. Yvann Funeral Homes ang labi ng biktima para sa autopsy at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply