Bestfriend sinaksak dahil sa bebot

AWAY sa babae ang itinuturong dahilan kung bakit sinaksak ng isang lalake ang kanyang bestfriend Sabado ng madaling araw, Abril 2, sa Marikina City.

Inoobserbahan ngayon sa Amang  Rodriguez Memorial  Medical  Center si Joseph Daryl Berbano, 22, ng Tandang Sora st., Barangay Parang ng nasabing lungsod.

Sising alipin naman sa loob ng kulungan ang suspek na si Emmanuel De Guia, 22, kaibigan ng biktima at residente rin ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa bahay na tinutuluyan ng magkaibigan.

Nabatid na nagkasayahan ang magkaibigan kasama ang iba pang barkada nang magkabiruan ang dalawa tungkol sa isang babae na nauwi sa pikunan.

Dala ng sobrang kalasingan ay hindi na nagpaawat ang dalawa na mistulang parehong may kinikimkim na galit sa bawat isa at nagkaroon ng suntukan na nauwi sa pananaksak.

Ayon sa ilang saksi madalas umanong nag-bibiruan ang magkaibigan subalit laking gulat na lamang nila nang magbunot ng patalim ang suspek at inundayan ang bestfriend.

Kasong frustrated homicide ang inihahandang kaso sa suspek na ngayon ay naghihimas ng rehas sa Marikina City Police detention cell. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply