Biking lanes sa MM suportado ni PNoy

KINATIGAN ng Malakanyang ang panukalang batas na paglalagay ng biking lanes at bike-friendly community sa mga lugar sa Metro Manila bilang tugon na rin sa lingguhang pagtaas ng presyo ng langis.

Ngunit,  sinabi ni deputy presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na dapat ding ikonsidera ang logistics lalo na ang sinasabing pag-atas sa mga empleyado ng pamahalaan na mag-bike na lang patungong trabaho habang summer season.

“Maganda ang nilalayon ni Senator Miriam Santiago. May logistics that have to be dealt with, lalo magkakaroon yan ng construction. Titingnan natin ang daan na magkakaroon ng bike lane,”  ayon kay Usec. Valte.

Ang Senate Bill 2789 ni Santiago ay may mandato sa Department of Transportation and Communications na mag-set up ng biking programs na may bicycle lanes, parking at support facilities para sa bikers.

Ang panukala ay nag-aatas din sa government offices, major business establishments at public places na mag-set up ng bicycle racks para sa bicycle parking.

Tinuran ng senadora na ang pagbi-bisikleta ay magandang ehersisyo  at nakakaalis ng stress, kung saan hindi katulad ng mga sasakyan, ang bisikleta ay hindi nagpo-produce ng air o noise pollution at hindi nagko-consume ng fossil fuels at nakapagpapabawas ng  traffic congestion.

Sa kabilang dako, hihingin pa umano ni Usec. Valte ang opinyon ni Pangulong Benigno Aquino III, kung papayag itong maging poster boy para sa mga nagbibisikleta.

Samantala, dinagsa naman ng bikers mula sa iba’t ibang bayan sa Metro Manila ang 13th Tour of the Fireflies na ginanap kanina.

Mahigit 11,000 siklista kasama ang mga bata ang sumama sa padyakan na nagsimula sa Pasig City hanggang CPP Complex.

Ang nasabing kaganapan ay bahagi ng kampanya ng grupong Fireflies para sa pangangalaga sa kalikasan. Kris Jose/Thor Diaz

(1) Early Birds: Congrats Loopers, for finishing the 13th Tour of the Fireflies!

(2) Parang alon ng dagat ang mahigit 11,000 siklistang lumahok sa 13th Tour of the Fireflies na nagsimula sa Pasig City hanggang CCP Complex.

(3) Lumahok ang Remate online team na si Thor Diaz, Gwenn Salamida, Kuya Art at Louise.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply