Binata dakip sa boga

DAKIP ang isang binata nang mahulihan ng improvised shotgun ng awtoridad habang naglalakad sa isang madilim na eskinita sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakapiit na sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspek na si Winston Jamin, 21, ng Phase 4, Package 1, Block 18, Brgy. 176, Bagong Silang, nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Ayon sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, dakong 10:45 ng gabi nang maaresto ang suspek sa kahabaan ng Phase 4, Bagong Silang.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagpapatrolya ang mga tauhan ng Sub-Station 5 ng Caloocan City Police sa naturang lugar nang maispatan ang suspek na naglalakad habang may dalang sumpak.

Agad na sinita ng mga pulis ang suspek at nang tangkain nitong tumakbo ay mabilis siyang pinaikutan ng awtoridad. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply