Binata umusisa sa riot, patay sa ligaw na bala

NAKAGAWIAN na ang paguusisa sa mga nagaganap na kaguluhan ay maaring magdulot ng kapahamakan sa bawat indibidwal.

Dahilan sa pagiging usisero ng isang 25-anyos na lalaki, minalas itong tamaan ng ligaw na bala sa dibdib matapos mag-rambulan ang mga kabataan at magpaputok ng baril sa lungsod ng Quezon kagabi.

Dead-on-arrival sa Malvar General Hospital ang nakilalang biktima na si Lobreo Emata, 25, binata, construction worker, nakatira sa 42 2nd St., Barangay Holy Spirit ng nasabing lungsod.

Agad naman tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek matapos ang insidente patungo sa hindi pa mabatid na direksyon.

Sa insiyal na imbestigasyon ng pulisya, nanganap ang insidente bandang alas-10:23 ng gabi malapit sa Saint Joseph Parish Church, Barangay Holy Spirit.

Habang naghihintay ang biktima sa tradisyon na ginaganap na Salubong sa nasabing simbahan, nagkaroon ng komosyon sa hindi kalayuan lugar mula sa simbahan.

Dahil sa pangyayari, sinubukan na mag-usisa ng biktima sa rambulan ng mga kabataan.

Sa lugar umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa magkabilang panig at sa gitna ng mga nauusyoso ay bigla na lamang tumimbuwang ang biktima at humandusay na duguan sa kalye.

Mabilis na binuhat ng mga kasamahan ang biktima upang isugod sa ospital subalit pagdating doo’y nalagutan din ito ng hininga.

Patuloy naman sa pagsisiyasat ang mga awtoridad hinggil sa naturang kaso upang matukoy ang dalawang hindi pa nakikilalang salarin. James de Jesus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply