Binay hiningi ang opinyon ng publiko

HINIKAYAT ni Vice President Jejomar Binay ang publiko na mag- e-mail o mag-text  ng kanilang komento kaugnay sa kung kailangan ngang payagan ng pamahalaan ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na mailagak sa Libingan ng mga Bayani.

Sinabi ni Binay na maaaring magpadala ng kanilang reaksyon at komento sa pamamagitan ng e-mail sa blog@ovp.gov.ph o text gamit ang mobile number na 0926-7468212 para sa Globe subscribers at 0949-6295575 para sa Smart subscribers.

“We will act based on the result of the public opinion,” anito.

Sa kabilang dako, sinang-ayunan naman ni Binay ang suhestiyon ni PDP-Laban president Aquilino Pimentel III na magsasagawa sila ng debate sa usapin.

“Let there be a debate. We will not preclude anyone or anybody. At the end of the day, we will have to make a decision,” ang pahayag nito.

Nauna rito, sinulatan na ni Binay ang ilang political parties na accredited ng Commission on Elections at non-government organizations para kunin ang mga opinyon ng mga ito sa naturang usapin.

Inaasahang isusumite ni Binay ang kanyang rekomendasyon kay Pangulong Benigno Aquino III matapos ang konsultasyon sa usapin.

Samantala, sinabi ni Binay na hindi siya nagmamadali na desisyunan ang nasabing usapin dahil nais niyang kunin ang opinyon ng mas nakakarami. Kris Jose

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply