Binugbog ng Air21 Express ang Powerade Tigers

ISINARA ng Talk N Text ang kanilang ikasiyam na laro sa elimination phase ng PBA Commissioner’s Cup sa paglupig sa Barangay Gin Kings, 102-99, sa Araneta Coliseum.

Tuluyan nang napanatili ng Tropang Texters (8-1) at ng Smart Gilas Nationals (7-2) ang unang dalawang puwesto sa 10-team standings at ang outright semifinal slots.

Nakatutok naman sa likuran nila ang Alaska Aces (5-3), Ginebra Gin Kings (5-4), at ang Rain or Shine Elasto Painters (4-4).

Ang Elasto Painters ay may huling laro pa laban sa nasa ilalim na San Miguel Beermen (1-7) sa pagwawakas ng single round elimination.

Maghaharap ang Air 21 Express kasunod ng panalo sa Powerade Tigers, 108-95, sa sigasig ng import na si Alpha Bangura, na kumana ng 32 puntos at ng nagbabalik galing na si Danny Seigle na bumanat ng 23 points. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply