BIR: Deadline sa paghahain ng ITR sa Abril 15 na

PINAALALAHANAN muli ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lahat ng mga kumikita sa ligal o iligal na pamamaraan na maghain ng kani-kanilang income tax return (ITR) bago ang Abril 15, ang deadline ng paghahahin nito.

Ayon kay Kim Henares, commissioner ng BIR,sa ilalim ng batas kabilang sa mga dapat na maghain ng ITR ay ang market vendors, malaki man o maliit kinikita ng mga ito.

Binigyang-linaw din ng komisyoner na ang mga minimum wage earner lamang ang mayroong exemption sa pagbabayad ng income tax. Aniya, ang mga empleyado namang may iisa lang na employer at kinakaltasan na ng buwis sa kanilang sweldo kaya hindi na kailangang maghain ang mga ito ng ITR.

Samantala, ang mga hindi makapaghahain sa Abril 15 ay magbabayad ng  surcharge na 25 porsiyento maliban pa sa 20 porsiyentong interes kada taon. Alex Luiz

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply