BIR dinagsa sa huling araw ng paghahain ng ITR

DINAGSA ng daan-daang taxpayer ang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Intramuros, Maynila ngayong araw, Abril 15, para sa huling araw ng paghahain ng Income Tax Return (ITR).

Ayon kay Director Alfredo Nisajon ng BIR Region 6, na nakatalaga sa Intramuros, Maynila, inaasahan na dadagsa ang publiko sa nasabing tanggapan upang humabol sa huling araw ng filing ng kanilang ITR.

Nagsimula ito dakong alas-siyete ng umaga at matatapos ito ng alas-dose ng hatinggabi.

Naglagay naman ang pamunuan ng ahensya ng tent at mga silya sa tapat ng ahensya para sa mga taxpayer.

Bukod dito, isang live band naman ang kanilang inihandog sa publiko sa pangunguna ng Dragon Band ng ahensya upang hindi mainip at hindi antukin ang mga taong sasabak sa mahabang pila.

Mayroon ding clinic at mga medical staff na siyang nakaantabay na mag-asiste sa sinumang makakaramdam ng pagkahilo dulot ng sobrang init ng panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply