BJMP, NBP wardens, igigisa sa illegal drugs

NAHAHARAP sa masusi at malalim na imbestigasyon ang lahat ng warden sa iba’t ibang kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kabilang ang nasa National Bilibid Prison (NBP) dahil sa patuloy na bentahan ng ilegal na droga sa loob ng kulungan na nasasakupan.

Ayon kay Sen. Vicente Sotto III, kailangan nang may managot sa patuloy na bentahan ng droga sa mga kulungan dahil naghahatid ito ng maling senyales na marupok ang ating sistema ng katarungan sa bansa.

“Someone should be accountable for this appalling situation that is sending a wrong signal that our justice system does not work,” dagdag niya.

Hiniling din ni Sotto sa Senate committee on local governments, justice and human rights at public order ang illegal drugs na simulan din ang pagdinig hinggil sa pagtatayo ng sariling kulungan ng lahat ng drug offender sa bansa.

Ayon kay Sotto, kailangan nang makapagtayo ng sariling kulungan ang pamahalaan para sa drug offender kaya hinilng nito sa kaukulang komite ng Senado upang simulan ang pagdinig kung paano makakalikha nito.

Malaki ang paniniwala ni Sotto na nagpapatuloy ang illegal trade ng droga sa loob ng kulungan kaya’ t nararapat na magkaroon ng sariling kulungan ang mga drug offenders at masawata ang ilegal na bentahan mismo sa loob ng kulungan.

Umaabot sa 79% ng bilang ng inmates sa city jail at pambansang kulungan ang drug offender.

“I want an overhaul and revamp in the jail system. I have been saying this over and over again, and the only solution is creating a drug penitentiary for drug offenders,” giit ni Sotto.

Aniya, isang espesyal na uri ng krimen ang drug offense kaya’t nangangailangan ng special rehabilitation program at security protocols para sa mga nagkasala.

Kasama sa panukala ni Sotto ang pagbubuo ng regional penitentiaries na nasa ilalim ng superbisyon ng Office of the National Penitentiary for Drug Offenders. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply