Black Saturday, special non-working holiday

INANUNSYO na ng Malakanyang na walang pasok sa Abril 23, Black Saturday.

Batay sa inilabas na Proclamation No. 150 ni Pangulong Benigno Aquino III, nakasaad na opisyal na idineklarang Special Non-Working Holiday sa buong bansa sa nasabing araw.

Sinasabing tradisyonal na idinedeklarang special non-working holiday ang Sabado de Gloria o Black Saturday.

Para sa Malakanyang, ang paggunita sa Mahal na Araw ay importanteng tradisyon ng sambayanang Filipino kaya dapat lamang na bigyan ng pagkakataon ang lahat na gunitain ang Mahal na Araw ng walang pag-aalinlangan o balakid.

“Our people must be given full and uninterrupted opportunity to ponder on the significance of the Holy Week and to properly observe its traditions with religious fervor, without prejudice to public interest,” ang nakasaad sa proklamasyon. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply