Bloggers kinasuhan ng magulang ni Jan-Jan

INIREKLAMO ng mga magulang ng kontrobersiyal na batang si Jan-Jan Suan ang mga blogger na nagpakalat ng liham sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at nagsasabing inabuso ang naturang “Willing Willie” contestant sa nabanggit na programa sa telebisyon.

Kasong libelo (paglabag sa Art. 353 ng Revised Penal Code) ang inihain sa Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) dakong 11:30 kaninang umaga (Miyerkules) at may case number ito na INV-IID-03013.

Kabilang sa mga nagrereklamo ang mag-asawang sina Joe Suan, alias Jojo Estrada, at Diana Suan.

Ang mga inirereklamo naman ay sina John Silva, Froilan Grate, Dr. Ma. Lourdes “Honey” Carandang, at iba pang mga hindi nakikilalang akusado.

Ayon sa abogado ng mga Suan na si John Pineda, hindi naniniwala ang dalawang magulang ni Jan-Jan na inabuso ang kanilang anak para lamang makapagbigay-aliw sa mga manonood.

Ayaw din umano nilang magamit si Jan-Jan ng mga taong may ibang layon sa pagpapaputok ng naturang isyu.

Matatandaang nagpadala ng mga liham si Carandang sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at sa Commission on Human Rights (CHR) na nag-aakusang inabuso ng host na si Willie Revillame ang batang si Jan-Jan. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply