Board member ng Albay nakasagasa, kalaboso

KALABOSO ang isang board member ng lalawigan ng Albay makaraang mapatay nito ang isang lalaki nang mabangga ng kanyang sasakyan.

Kinilala ang biktima na si John Jose Sison y Ortega, 43, residente ng Travesia, Guinobatan, Albay.

Ayon sa Guinobatan PNP, nahagip ng Toyota Innova na minamaneho ni Board Member Arnold Imbestro ang biktima habang ito ay naglalakad bandang 10:00 kagabi, Abril 1.

Nabatid na galing si Imbestro sa selebrasyon ng pagbubukas ng Magayon Festival nang mangyari ang insidente.Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply