BOC kinasuhan ang CDO ng smuggling sa DOJ

KINASUHAN ng smuggling ng Bureau of Customs (BOC) ang CDO-Foodsphere Inc. sa Department of Justice (DOJ).

Ang mga opsiyal ng nasabing meat processing firm ay nahaharap sa P1.1 billion smuggling case dahil di umano ay “undervaluation” ang mga imported products ng CDO mula sa iba’t ibang bansa.

Kasama sa mga kinasuhang opiasyal ng nasabing kompanya ay sina Rolando Juan Cruz, assistant vice president for finance ng CDO at Romeo Lerit na isang Customs broker.

Kulang umano ang binayaran ng CDO para sa buffalo meat. Nagbayad lamang ang CDO ng P675,740,705 para sa 207 buffalo meat na dapat sana ay halos P1.1 billion na import duties nito.

Maliban dito, pineke umano ng mga opisyal ng CDO ang invoice ng transaction para maitago ang kanilang iligal na gawain, ayon pa kay Customs Deputy Commissioner Gregorio Chavez. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply