Bohol representative umalma sa pagkakasangkot sa fertilizer scam

UMALMA si Bohol Rep. Erico Aumentado kaugnay sa pagkakasangkot niya sa kontrobersiyal na fertilizer fund scam noong 2004.

Ayon kay Aumentado, wala umanong katotohanan at pawang kasinunglingan na tumanggap siya ng P5 milyon mula sa kaban ng pamahalaan..

Inamin naman ni Aumentado na tumaggap siya ng fertilizer mula sa Department of Agriculture (DA) pero ito umano ay kanyang ipinamahagi sa mga magsasaka noong siya ay nanunungkulan bilang governor sa
lalawigan ng Bohol.

Sinabi pa ni Aumentado na ang pamamahagi sa benepisyo ng fertilizer ay pinangunahan ni Provincial Agriculturist Bebot Mendez Pinat.

“This fact was known by former Senator Ramon Magsaysay, Jr. to whom I provided the information when the senate investigated Jocjoc Bolante for the alleged fertilizer scam, kaya hindi ako isinama sa Senate recommendation for prosecution kaugnay sa napaulat na katiwalaan,” ani Aumentado.

Ang paglilinaw ay makaraan na ang office of the Ombudsman ay isinangkot si Sen. Lito Lapid at 11 miyembro ng House of Representatives kabilang si Aumentado sa umano’y katiwalian na nagkakahalaga ng P728 milyon noong taong 2004.

Bukod kay Aumentado, kabilang sa iniimbestigahan sina Florencio Miraflores ng  Aklan, Rogelio Espina ng Biliran, Luis Villafuerte ng Camarines Norte, Antonio Kho ng Masbate, George Arnaiz ng Negros
Oriental, Eleandro Jesus Madrona ng Romblon, Orlando Fua Sr. ng Siquijor, Napoleon Dy ng  Isabela, Renato Unico Jr. ng Camarines Norte at Augusto Syjuco, Jr. ng Iloilo. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply