Bomb expert tepok sa bomba

TEPOK ang isang British bomb expert makaraang masabugan ng isang bomba habang nagsasagawa ng roadside bomb clearing operation sa Helmand, Afghanistan.

Nasawi si Capt. Lisa Jade Head, 29 , pangalawang babaing miyembro ng United Kingdom armed forces na nasawi sa Afghanistan.
Siya na ang ika 364 na namatay sa hanay ng British military personnel simula noong taong 2001.

“She was neutralising a complex set of IEDs (improvised explosive devices) which had been sown in an alleyway between two compounds when one of the devices detonated,” ayon kay Lt. Col. Tim Purbrick ang spokesman ng Task Force Helmand.

Kakadestino pa lamang ni Capt. Head sa Afghanista noong ika 27 ng Marso, kasalukuyang taon.

“Lisa always said that she had the best job in the world and she loved every second of it. Lisa had two families – us and the Army. Lisa had a fantastic life and lived it to the full. No-one was more loved,” pahayag ng pamilya ni Head. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply