Bomba natagpuang nakatanim sa motel

BIGONG makapaghasik ng terorismo ng hindi pa tukoy na grupo matapos na ma-recover ng mga sundalo ang isang bala ng 81mm mortar at dalawang bala ng 60mm mortar na nakasilid sa  isang bag sa loob ng lodging house sa Cotabato City, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz, may isa pang bag ang naglalaman ng 1 cal. 45 pistol at  9mm caliber pistol na may dalawang magasin, dalawang bala ng M203 grenade launcher, at Irish powder ang kanilang nakumpiska .

Ang bala ng 81 mm mortar ay matagumpay na-detonate ng mga ahente ng 7th Marine Battalion Landing Team ganap na 6:45 Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Cruz, ang  baril ay mayroong naka-engrave na pangalan ni Manuel Chua at kasama ring natagpuan ang kanyang voter’s ID.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan,  isang lalaki ang nag-check in sa ND Avenue Lodging House na matatagpuan sa panulukan ng Quezon Ave. at Notre Dame Ave. pasado alas-onse ng umaga Miyerkules.

Matapos ang ilang sandal ay nagpaalam ito na lalabas lamang upang bumili ng pagkain. Hindi na bumalik.

Sa nakitang sulat sa kwartong pinaglagyan ng pampasabog ay nagsasaad na may mga kahalintulad ding  eksplosibo sa dalawa  pang lodging house sa lungsod.

Nang puntahan ng mga awtoridad ang mga ito ay lumabas na negatibo ang kanilang paghahanap ng bomba.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply