Boracay dinumog ng local at foreign tourists

DAGSA na ang local at foreign tourists sa isla ng Boracay sa Aklan at inaasahang mas dadami pa ang bilang ng mga ito ngayong Semana Santa.

Ang biyahe ng pump boats na naghahatid sa mga turista sa isla ay hanggang 10:00 na ng gabi na posible pang ma-extend ang oras kapag dumating na ang mga bakasyunista sa lugar.

Nagdagdag na rin ng mga bumibiyaheng pump boat para maisakay ang lahat ng turista.

Dahil dagsa na ang tao sa Boracay, naka-alerto naman ang kapulisan at Philippine Coast Guard (PCG) sa Cagban at Caticlan Jetty Port upang mabantayan ang seguridad ng mga dayuhan.

Naglaan din ng mga K-9 units na gagamitin sa pagrerekisa ng mga bagahe ng turista upang walang makapuslit na iligal na droga sa isla. Alex Luiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply