Boses, lalamunan pangalagaan

ANG boses at ang lalamunan ay mahalaga para sa tao lalo na sa pakikipagkomunikasyon.

Sa iba,  ito ang kanilang puhunan sa kanilang paghahanapbuhay gaya ng mga singer, host, barker, announcer, commentator, artista, mandudula, call center represenatative, reporter, teacher at marami pang iba

Kahit ang mga doctor, nurse at tindera ay ginagamit din ang boses at lalamunan para sa pakikipag-communicate sa kanilang pasyente o mamimili.

Siguro masasabing ang mga non-vocal work ang pinaka-least na gumagamit ng boses sa trabaho, kagaya ng computer analyst, IT, encoder at iba pa na hindi masyadong nire-require na magsalita sa kanilang trabaho.

Kung titingnan mong mabuti, araw-araw nating ginagamit ang boses at lalamunan sa pakikipag-ugnayan sa opisina, eskwelahan o kahit sa pakikipaglaro at maging pagbili sa tindahan o maging sa pagbabayad sa jeep.

Malaki ang role ng boses at lalamunan kaya naman dapat alamin natin kung anu-ano ang mga nakaaapekto dito at kung paano ito mapangangalagaan.

Napukaw ang attensyon ko tungkol sa bagay na ito ng mapansin kong minsan ay minalat ang kapatid kong si Joan, isa siyang call center agent sa Ortigas.

Di kasi ako sanay na ganoon ang boses niya, kasi kilala siyang may magandang boses ay may kahusayan din sa pagkanta. Kagaya ko member din siay ng choir sa simbahan. Mas aktibo pa nga siya kaysa sa akin dahil ako, sa sobrang busy ay hindi na maka-attend ng choir practice.

Tinanong ko si Joan kung kalian nagsimula ang pamamlat niya at ano sa tingin niya ang naging sanhi nito.

Sa trabaho ng aking kapatid, puhunan niya ang kanyang boses at lalamunan. Nakikipag-usap siya sa kliyente ng kanilang kompanya sa pamamgitan ng telepono.

Limang beses sa loob ng isang lingo ang kanyang pasok at tumatagal ito ng walong oras, at kung minsan may overtime pa.

Gamit na gamit ang boses niya sa trabahong ito, kaya naman minsan ding napagod ito at bumigay.

Ano nga ba ang pamamaos? Paano ito nagssismula at paano ito maiiwasan?

Nagsaliksik ako tungkol sa pamamaos, well minsan na din naman akong namaos dahil mahilig akong kumanta at likas na malakas ang boses ko, hindi lang ako maging si Joan at ang iba pa naming kapatid ay mahilig ding kumanta at minsan na din kaming sumali sa mga singing contest.

Ang boses ay ang tunog na nagagawa sa pagpasok ng hangin sa ating baga na dumadaan sa ating larynx, o yung tinatawag na  voice box. Sa larynx nandoon ang vocal cords, dalawang bands ng muscle na nagba-vibrate para makabuo ng tunog.

Ayon sa ekperto, gaya ng fingerprints, bawat tao ay may kani-kaniyang unique na boses.

Mapapansin mong may problema sa vocal cords ang isang tao kapag;

1. Basag ang kanyang boses
2. Limitado ang range ng kanyang pitch
3. Limitado ang volume at projection
4. Voice ‘fatigue,’ o discomfort at deterioration ng boses kapag matagal na ginagamit
5. Nauubusan ng hininga sa tuwing magsasalita.
6. Chronic throat clearing o pag-ubo
7. Nahihirapang huminga o lumunok

Mga bagay na nakaaapekto sa ating vocal cords

1. Masydong pagsasalita
2. Pagsigaw ng malakas
3. Palagiang pag-ehem (constantly clearing the throat)
4. Paninigarilyo na siyang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng hoarse voice

Ang mga nabanggit ay maaari pang maging sanhi ng mga problema gaya ng;

1. Nodules
2. Polyps
3. Sores sa vocal cords.

Iba pang dahilan ng vocal disorders

1. Infections
2. At ang upward movement ng stomach acids patungong lalamunan
3. Paglaki nito dahil sa virus
4. Cancer
5. At diseases na nagpapa-paralyze sa vocal cords.

Nag-iiba iba naman ang treatment sa mga voice disorder. Ito ay depende sa naging sanhi nito. Mas mainam ang laging pagkonsulta sa doctor lalo na sa espesyalista, Iwasan ang pagse-self medicate upang maiwasan din ang paglala o madagdagan ang problema.

Halimbawa, ang hoarseness o pamamaos ng boses, madalas na madali itong gumaling ngunit hindi sa lahat ng kaso, depende ito kung ano ang naging sanhi nito. Sa kaso ng kapatid ko, napagod ang boses niya dahil sa pagod din na nararamdaman niya.

Nang makapagpahinga siya ng sapat ay agad ding nanumbalik sa normal ang kanyang boses.

Iniwasan din niya ang pag-inom ng masyadong malamig at masyadong mainit na inumin upang hindi magasgas ang kanyang lalamunan.

Kahit na mahilig siya sa matatamis ay pilit din niyang iniiwasan ito magpasahanggang ngayon dahil nakaaapekto din ito sa lalamunan.

Dahil puhunan niya ang kanyang boses, inaalagaan niya ito ngayon sa pagiging disiplinado.

Ang kaso ng kapatid ko ay iba sa naging kaso ng papamaos ko dati.

Pagkagising ko lang kinabukasan ay nawala na ito. Yung sa kanya tumagal ng ilang araw.

Maaaring iba rin para sa ibang tao. Ayon sa eksperto kapag tumagal ito ng dalawang linggo, ito ay dapat na ikonsulta na sa doktor lalo na yung mga naninigarilyo.

Ito ay upang maagang ma-detect kung may iba pang problema upang agaad ding masolusyunan.

Tandaan din lagi na prevention is better than cure. Mag-ingat sa mga kinakain at iniinom na maaring makaapekto sa lalamunan.

Iwasan din ang masyadong pagdadaldal o pagsasalita ng malakas kung hindi kinakailangan. Laging magsipilyo, upang maiwasan ang mikrobyo sa bibig na maaaring mapunta sa iyong lalamunan.

Lagi ring uminom ng maraming tubig para hindi maiwasan ang pagkatuyo nito.

Higit sa lahat kung may nakitang problema sa iyong boses at lalamunan at komunsulta agad sa doktor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply